Wednesday, November 16, 2016

Ano ba ang likas na yaman? Ano ang mga uri ng likas na yaman? Paano ito mapapangalagaan sa mga simpleng pamamaraan?


Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga yaman ng ating kalikasan. Ang mga anyong-tubig at mga anyong-lupa ang mga ito. Sa mga yammang ito naggagaling ang mga pangangailangan natin. Ipinagmamalaki ng ating bansa ang mga yamang ito.

·         Yamang Lupa

-          Mayaman ang lupang taniman ang ating bansa. Maraming halaman at puno ang tumutubo rito. Dito nanggagaling ang ating pagkain. Iba’t ibang uri ng gulay at prutas ang matatagpuan sa mga lupang taniman sa ating bansa.
-          Sa ating mga kagbatan nanggaling ang kahoy, tabla, yantok, baging, at dagta. Dito rin matatagpuan ang mga hayop tulad ng usa, baboy-ramo, musang, labuyo, tamaraw, at iba’t ibang ibon.
-          Sa kagubatan din nanggagaling ang iba’t ibang mineral tulad ng ginto, pilak, tanso, karbon at chromite.
 

·         Yamang-tubig

-          Sa mga anyong-tubig nakukuha ang ilan sa ating pangangaillalngan sa araw-araw. Dito nanggagaling ang mga isda, hipon, alimango at halamang dagat. Ang magagandang perlas, kabibi at korales ay matatagpuan sa ating mga dagat. Sa dagat din nagmumula ang asin na ating pangunahing kailangan sa pagluluto.

·           

      Yamang-tao

-          Ang bilang ng tao sa isang bansa ay lawak ng potensyal na yaman ng tao. Ang mga taong nagtratrabaho sa isang bansa ay may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa.
 

Pangalagaan ang mga Likas na Yaman

               Pangalagaan natin at mahalin ang mga anyong-lupa at anyong-tubig. Ang pagkasira ng mga ito ay pagkawala na rin ng mga yamang ibinibigay sa atin. 

                Huwag nating hayaan makalbo ang mga kagubatan.

                Magtanim tayo sas bakuran upang madagdagan ang ating makakain. Magtanim din tayo sa mga lugar na bakante upang ang mga ito ay maging kapaki-pakinabang. 

                Ang mga batang tulad mo ay makakatulong sap ag-aalaga ng ating likas na yaman. Sa simpleng pag hihiwalay ng basura sa nabubulok at hindi nabubulok ay isa sa mga simpleng paraan na makakatulong sa pagliligtas ng mga likas na yaman.

                Panatilihin nating malinis ang mga ilog, dagat at ibang anyong-tubig sa ating paligid. Sa ganitong paraan, makatutulong tayo sa pangangalaga at pagpaparami ng mga yamang-tubig.

                Kailangan ding tipirin  ang paggammiit ng tubig. Ang mga natipong ubig-ulan o mga pinagbanlawan ng mga damit kapag naglalaba ay maaring gamitin ns psmunsd ng sahig, pambuhos ng inodoro, pandilig ng halaman at pambaligo ng alagang hayop. Makakatulong tayo sa pagliligtas ng ating mga likas na yaman sa pamamagitan ng simpleng pagtitipid sa pagamit ng mga ito.

5 comments: